Torch My Tiki

Note:

Ang sumusunod na akda ay hango sa mga tunay na pangyayari ngunit ang mga pangalan ay sadyang binago bilang proteksyon sa pagkakakilanlan ng mga tauhan. Paumanhin kung may pagkakatugma sa mga pangalan na mailalathala sa mga miyembro na naririto. Image used is for illustration only.

_____________________________________________________________________________________________________

“3 o’clock tol, kartada siyete, good na tsong”,pasimpleng bulong ni Jigz, at pagilid na nagmuwestra pakaliwa habang nasa yosihan kami ng RCBC plaza. Si Jigz ang trusted kaopisina slash expert wingman ng tropa, “tagapinta” sa salitang sugarol, taga-kapa at tagahusga. Walang nakakaligtas basta nakadamit o korteng babae, susuriin nya. Kilala rin nya ang mga “usual” at mga naliligaw na kaluluwa dito sa “lung center”. Ganito ang usual na ganapan namin pag magyosi, spotter ng mga bagong mukha o di naman ay nagpapantasya sa mga demigods. Halos kasabayan kasi namin nagbibreak ang mga casino live dealers sa building na to. Ito ata ang communal ground ng mga anghel at mga demonyo, kung saan nagsusocialize ang mga hulog ng langit at iniluwa ng impyerno.

Pumihit ako at tiningnan ang inginunguso ni Jigz. Nakaupo ito sa isa sa mga provided na upuan sa shaded area. Naglakad ako at lumapit upang magkunwaring magtataktak ng upos sa ashtray ng basurahan na nasa tabi ng babae.

Umandar ang tsismoso mode, at para din maghanap ng common ground, sinulyapan ko ang papel na nakapatong sa kandungan ng babae, binabasa at tila minimememorya nya ito. Mukhang resume at siguro pinapasadahan nya ng review para maging consistent sa mga sagot sa ina-applyan nya. Naka-semi-formal attire, gray cardigan over white roundneck shirt na nag-iimpose ng magandang tindig at katamtamang laki ng dibdib, slacks na itim na hapit sa bewang, walang mababakas na umbok sa tyan o puson, pointed black shoes na may four inch heels. Simple pero elegante tingnan.

“Andamot mo naman pumina kosa, otso na to sa liga ko par”, wika ko sa sarili ko na para bang naimi-mental telepathy ko ang laman ng utak ko kay Jigz. Bilang ako ay aminadong nasa liga ng mga tres hanggang kwatro sagad na, alam ko ang market na dapat kong landian, mga ganyang range lang din dapat. Miminsan ngumingiti din ang tadhana at nakakadale ng siete o otso, pag nasa mood humalik ang langit sa lupa.

Naglabas ang babae ng kaha ng yosi nya, flipped it upside down at itinaktak ang kaha. Batikan. Pero pota mukhang shala, Esse super slim na black, pero nahagip din ng mata ko sa bag nya ang “pokpok smoke” kung bansagan, Marlboro Black. “Either anak to ng duke o tambay ng mga bar”, wika ko sa sarili ko habang kinikilatis ko ang kutis nya, mannerisms at pagkilos. “Mukhang both”, muntangang pagkausap ko sa loob ko.

Kinapa ng babae ang mga bulsa nya, naningkit ang mga bilugang mata at hinalungkat ang bag, at nakakita ako ng oportunidad upang kausapin ito. Pangiti kong iniabot ang lighter ko sa kanya. Napatingin siya at nakangiting kinuha ang inialok ko. “Thank you po. Di ko alam saan ko nailagay lighter ko. Haha!” paliwanag nya. Tumayo na din siya at humarap sa akin, either bagot na ito na walang kausap o respeto na lang sa pagpapahiram ng lighter. Nasa 5’4 siguro ang height minus the heels. “Dalagang Pilipina yeah”, napakanta ako sa isip ko.

“Bago ako magsabi na walang anuman eh limang piso ang kada sindi.” pasilay ngiti kong sagot.

“Ay grabe ang mahal naman! Sa unang sahod at magkita tayo ulit dito sa smoking area.” natatawa nyang balik biro.

“BPO?” inquire ko nang maramdamang di siya suplada at willing din makipag-ututang dila.

“Opo, kelangan umawra ni inday para may pangsuporta sa bisyo at muk-ap, alamona. Baka naman pwede mo ko refer dyan sa inyo tapos hati tayo sa referral pag di nakapasok sa pag-submitan ko ngayon.”nakatawa nyang sambit habang tinitingnan ang lanyard ng ID ko kung saan nakasulat at nagsusumigaw ang detalye saan ako nagtatrabaho.

“Wow, burgis ang itsurahan pero walang bahid pagka-conyo ang pananalita at pagdala nya sa sarili.”amused na pag-obserba ko sa kanya. The last thing I would want her to think eh ang creepy ko kaya ibinaling ko ang pagtitig sa ibang nagyososi, mula sa mukha nya na wari ay kinakabisado ko ang labi nya at ang maliit na biloy sa kaliwang pisngi na sumisilay sa bawat pagbuga nya ng usok. Ewan ko ba bakit naimagine ko siyang pumupungay ang mata habang bini-bj ako. Wag na maglokohan, una talagang naiimagine ng lalaki ang mga sexual na gusto nya gawin pag maganda ang tsiks na tinititigan nya.

“Since for sure nabasa mo naman na pangalan ko sa ID ko, di naman na siguro masamang sabihing sinulyapan ko nga din ang resume mo. But for formality’s sake, I am Nate. Pleased to meet you, Miss Regalado.”poker faced kong turan at iniabot ang kanang kamay para makadaupang palad siya.

“Oi Kuya Nate, ang pormal mo naman po. Di bagay sa mukhang goon mong itsurahan. Mitch na lang, dati Michael tunay na name ko bago magpaopera.”nakatawa nyang hinawakan ang palad ko at mariing pinisil. “So, deal na tayo? Refer mo ko and tapos pag matanggap ako eh pag-usapan na lang natin bayad”may pagkindat nyang pagkumpirma.

“Tsk, first time makausap and Kuya-zoned na agad. How saklap naman this life.” pabebe kong sagot.

“Tell you what, why don’t you jot down my number and then text me ano man mangyari sa application mo.” sagot ko. Ito ang diskarteng natutunan ko sa mga Kage sa opisina, wag mo hingin ang number dahil otsenta porsyento tatanggihan ka. Ikaw ang mag-offer ng numero mo para di ka lalabas na g na g at dun mo din makikita kung gusto ka ba makausap ng pinag-offeran mo ng numero. Lalabas na propesyunal ka kahit manyakol ka lang talaga.

Mitch took out her phone and typed the digits as I was dictating them. Sinulyapan ko si Jigz na nakangisi sa gilid and he made a zipping motion. “Body bag!” pagkakabasa ko sa minutawi ng bibig nya. Lista na sa banga ika nga. Tumango ako sa kanya bilang pagyaya na balik na kami sa opisina. Nag-goodluck wish na din ako kay Mitch at iniwan siya sa smoking area dahil in thirty minutes pa ang scheduled interview nya sa Building 1 samantalang sa Building 2 naman ang pinapasukan kong POGO office.

Tumakbo ang araw ko as normal, tamang grind, harot sa mga kaopisinang pinagtitripan at paminsan minsang pagsilip sa FSS.

“Tol After Shift tayo pagka-out mo. Nagrereklamo na bahay alak ko dahil tatlong linggo na ako di nakakainom.” pag-istorbo sa akin ni Tom, ang tinaguriang founder ng Vulture Club sa opisina. Sila yung grupo na binubuo ng managers and supervisors na tirador ng mga newbie sa company. Tagapagtayo ng Pasisikatin Kita Hija Foundation. Kung MILF ka, mas prone na maging target ka nila, mas malaking porsyento na di daw kakapit after matikman. Kahit sa kalibugan nagreresearch ang mga hinayupak. Kulang na lang may slideshow at graph kung magkiss and tell ang mga kupal.

Alas-singko y media na ako lumabas para na din di makisabay at makibaka sa elevator dahil sa dami ng nagtatrabaho sa RCBC, given na may rush hour din ang mga lifts dito. Animo eh MRT level ang siksikan. Pakaarte pa ng sensors ng elevator, sobra lang ng isang hibla ng buhok eh ayaw na sumara.

My phone suddenly vibrated nang sunod sunod after ko tanggalin sa flight mode. Mukhang my flooder ng message. Di ko naman ugaling magphone lalo na pag naglalakad, kaya hinayaan ko na muna and hinintay ang ibang mga sasama sa After Shift, isang bar malapit sa tapat ng Makati Med. Nauna na ibang mga kakilala para makareserve ng table dahil matao ito tuwing weekend. Kasabay ko si Jigz na may akay-akay na naman na bagong side chick. Matindi din talaga karisma nitong ugok na to. Minsan gusto ko na tanungin saan pwesto ng binibilhan nya ng gayuma at mukhang napaka-epektib ng inilalangis nya sa katawan.

Pagdating namin sa venue ay saka ko lang naisipang tingnan ang telepono ko and may unregistered number na mahigit dalawang dosena ata na salitan ng pangalan ko, laughing emoji at wave emoticon ang messages.

“Sorry, I have no record of any conversation with this number. May I know who’s this please?”, reply ko.

“Ano ba yan kahit sa text napaka-propesyunal mo sumagot. Kuya Nate to earth, hello!” ang tugon nya sa text.

“Ah, Michael, is it?” pabirong reply ko.

“Kamusta ang application?”

“Okay naman, pero ligwak kuya. Keri lang naman, maganda pa din ako kahit bumagsak.”

“Attagirl. Dami pa naman dyan. At least natanggal mo na butterflies sa stomach.”

“Ayun na nga. I just wanted to confirm your number. I will still take you up on that deal, okay?”

“Wait, practice muna kami, I’ll catch up with you later!” magkasunod nyang texts.

Di na ako nagreply at tuloy na nakipagkuwentuhan sa mga tropang inabutan. May nag-a-acoustic jam na sa bar, at sa loob naman kami pumuwesto para magkarinigan ng usual na yabangan, reklamo sa trabaho at ganap sa bahay ng mga may-asawa at anak na kaopisina na ginawa nang hobby ang magsharing ng problema sa buhay sa time dapat na kumukuha kami ng breather sa magulong mundo ng corporate at limitadong galaw sa adulting.

Maya maya pa ay nagpalit pangsayawan ang musika ng bar, tapos na ang set ng acoustic band. Nasulyapan ko sa posters sa labas na ang gabing ito ay nakalaan para sa Hawaiian Night. That explains ang mga tiki torches sa mga sulok at mga makulay na suot ng mga waiters at bar attendants.

My eyes roamed around the bar and to my surprise, sa gitna ng grupo ng mga kababaihan na kausap ng manager ng bar, mga nakasuot ng muumuu at mukhang magpeperform, ay pamilyar na mukha. She might’ve caught a glimpse of me sa peripheral vision nya at ngumiti ng pagkatamis sabay kaway sa akin. Si Mitch, looking like an apparition sa suot nyang traditional Hawaiian dress. God, those hips won’t lie. Dala na marahil ng ilang shots ng JW na una nang pinashot sa akin, kaya nag-init pakiramdam ko sa pag-isip how I’d want to hold those hips while she’s bending over, me pulling her wavy nugget colored locks while I am fucking…

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *